MANILA, Philippines - Umalma ang apat na konsehal ng Maynila sa ipinasang Resolution No. 69 na nagsasaad na si Vice Mayor Isko Moreno o Francisco Domagoso ay mabigyan ng doctorate degree ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa kabila ng kawalan ng consent ng mga lumaÂlabas na ‘principal authors’.
Ito ang ibinunyag nina Manila councilors Ali Atienza, Niño dela Cruz, Josie Siscar at Rod Lacsamana matapos masorpresa sa paglabas ng resolusyon na hindi naman umano nila alam at wala silang partisipasyon nang ito’y ipasa ng konseho.
Nakalagay sa resoÂlusyon ng konseho kung saan presiding officer si Moreno, na bilang ‘distinguished leader’, si Moreno na mabigyan ito ng doctorate degree sa public management honoris causa “for his devotion to public service and vision for a glorious city of Manila.â€
“Whereas, the ambience of graduation rites is now felt all over the country and the time is ripe for a premier learning institution, the PLM, to give honor and recognition to a benevolent benefactor, a distinguished leader of the land, vice mayor Francisco “Isko Moreno†Domagoso,†bahagi pa ng resolusyon.
Bukod sa apat, may iba pang konsehal na lumalabas na principal authors ng nasabing resolusyon, subalit ang apat pa lamang ang nagkumpirma na hindi nila alam na kasama at ginamit ang kanilang mga pangalan.
Nagtataka rin si Atienza na noong ipinasa ‘unanimously’ ang resolusyon na may petsang Marso 13 ay absent siya sa session ng konseho.
Ayon naman kay Dela Cruz, naroon siya sa session subalit wala umanong tinalakay na ganung resolusyon hanggang siya’y umalis kaya nagulat din kung bakit isa siya sa principal authors.
Maging si Lacsamana ay wala rin sa session at si Siscar naman ay absent ng dalawang araw nang maipasa ang resolusyon.
Nakasaad pa na kabilang sa achievements umano ni Moreno ang dinaluhang fellowship program na tig-anim na araw sa United Kingdom at Estados Unidos, at ang leadership program bilang participant sa US.