EPD chief bago na

MANILA, Philippines - Uupo na sa puwesto ngayong araw (Lunes) ang bagong director ng Eastern Police District (EPD) na si P/Chief Supt. Abelardo Pacis Villacorta.

Isang simpleng turn over of command ceremony ang nakatakdang isagawa dakong alas-10:00 ng umaga ngayong araw para sa pormal nang pag-take over ni Villacorta sa puwesto.

Ang seremonya ay inaasahang pangungunahan ni National Capital Regional Police Office director P/Chief Supt. Carmelo Valmoria.

Papalitan ni Villacorta sa puwesto si outgoing EPD Officer-In-Charge P/Senior Supt. Antonio Gumiran Jr. na dating deputy director for admi­nistration ng EPD.

Si Gumiran ay naupo sa naturang puwesto noon lamang Enero 31 matapos na mailipat si dating EPD director P/Chief Supt. Miguel Laurel sa Police Regional Office 2.

 

Show comments