MANILA, Philippines - Nais ng 12 grupo sa pangunguna ng Movement Against Graft and Abuse of Power (MAGAP) sa Commission on Audit (COA) na isama sila bilang obserÂvers sa isasagawang special audit sa 90,000 PCOS machines sa bodega nito sa Cabuyao, Laguna.
Ayon kay Jonatan Sinel, spokesman ng MAGAP, hiniling mismo nila kay COA chief Grace Pulido Tan na isama sila bilang observers kapag isinagawa nito ang special audit sa mga PCOS machines.
Sinabi ni Sinel, wala namang pagtutol ang COA chief sa magiÂging partisipasyon bilang observers ng iba’t ibang grupo na ang nais lamang ay maiwasan ang anumang dayaan sa darating na 2016 elections.
Aniya, ang partisipasyon ng mga independent citizens groups sa special audit sa mga PCOS machines ay lalong magpapalakas sa integridad at transparency ng gobyerno sa pagnanais nilang huwag magamit sa pandaraya ang nasabing counting machines.
Magugunita na hiniling ng MAGAP sa COA na magsagawa ito ng special audit sa mismong bodega na dapat ay pinagÂlalagakan ng 90,000 PCOS machines upang masiguro na naroroon pa ang mga counting machines na dapat ay magamit pa sa darating na eleksyon.
May nakalap na ulat ang MAGAP na inalis sa nasabing bodega ang mga PCOS machines at inilipat sa ibang bodega na wala namang ‘configuration facility’ bukod sa walang paalam ito mula sa Kongreso na naglaan ng P400 milyon para dito.