^

Police Metro

Binata patay sa bintang ng kapitbahay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 20-anyos na binata matapos na ataduhin ng saksak ng kanyang kapitbahay nang pagbintangan na ito ang kumalampag ng kanyang gate kamakalawa sa Las Piñas City.

Nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Kimbergil Gonzales, ng  #700 San Francisco St., Brgy.Ilaya ng lungsod.

Habang ang suspek na naaresto ay kinilalang si Harold Delasota, 28, at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45  ng gabi naganap ang krimen sa kahabaan ng San Francisco St., Barangay Ilaya nang sugurin ng suspek ng mga saksak ang biktima habang ito ay naglalakad.

Sa imbestigasyon ng pulisya na pinagbintangan ng suspek ang biktima na ito ang nangalampag ng kanyang gate dahil sa ito lang ang nakita niyang dumaan.

Kinompronta ng suspek ang biktima at pinagbintangan na ito ang nangalampag ng kanyang gate na pinabulaanan ng huli.

Hindi naniwala ang suspek hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at kasunod ay ang pananaksak nito sa biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY ILAYA

BATAY

BIKTIMA

BRGY

HABANG

HAROLD DELASOTA

KIMBERGIL GONZALES

LAS PI

SAN FRANCISCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with