Drug pusher sinalvage

MANILA, Philippines - Isang lalaki na pinaghihinalaang drug pusher ang natagpuang patay sa gilid ng isang kalye kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ayon sa pulisya na posibleng drug pusher  ang biktima dahil sa nakasulat sa kapirasong bond paper ang katagang “Wag pong tularan, Droga po ang hanapbuhay ko” .

Inilarawan ang biktima  na nasa pagitan ng edad 30-35, katamtaman ang katawan, may taas na 5’2”, nakasuot ng puting t-shirt, at brown na short pants, at may tattoo sa likod na “C. Sabel” at “Omar” sa dibdib.

Natagpuang nakasilid sa isang garbage bag  at nababalutan ng packaging tape ang buong mukha na may isang tama ng icepick sa kanyang dibdib na maa­ring siyang ikinamatay nito.

Ang bangkay ng biktima ay nakita dakong alas-12:45 ng gabi ng security guard na si Paquito Diestro sa tabi ng Windmill ng MWSS, sa Carreado St., Balara Filter, Brgy. Pansol sa lungsod.

 

Show comments