Gov. Alvarado, pinagpapaliwanag

MANILA, Philippines - Tungkol sa napaulat sa media na mahigit P10 milyon mula sa Special Education Fund (SEF) ng lalawigan ng Bulacan na nagastos ng di-naaayon sa batas na naglikha nito kung kaya’t hiningan ng paliwanag kahapon ng Bulacan Alliance Against Graft and Corruption (BAAGAC) si Bulacan Gov. Willy Alvarado.

Nakiusap din ang BAAGAC kay Alvarado na ilahad sa mga mamamayan ng Bulacan ang lahat ng dokumento tungkol sa napaulat, gayundin ang mga papeles ng aktwal na kalagayan ng pondo ng lalawigan sa kasalukuyan.

Ayon sa mga ulat, nakita ng Commission on Audit (COA) na noong 2012 na ang mahigit P10 milyon ay naubos sa pamamagitan ng mga donasyon at tulong.

Kabilang sa mga donasyon ay tulong pinansyal sa mga may sakit at pagpapalibing ng mga kapuspalad at mga donasyon sa  mga non-government organizations (NGO) at mga pribadong samahan na hindi opisyal na kinikilala ng pamahalaang panlalawigan at hindi mga nabigyan ng akreditasyon.

“Malinaw sa batas na naglikha ng SEF na ito ay magagastos lamang sa mga pang-edukasyon na prog­rama o aktibidad, kaya’t dapat na liwanagin ito ni Gov. Alvarado sa mga taga-Bulacan. Sino ang nagpahintulot sa mga di-otorisadong donasyon, kailan pa nagsimula ito at sinu-sino ang mga nakinabang,” ayon  sa BAAGAC.

Ayon pa sa BAAGAC na nalugi ang mga nagbayad ng buwis at mga estud­yante na nakinabang sana sa  dagdag na scholarship sa di-otorisadong paggastos.

 

Show comments