2 lalaki sinalvage sa QC at Taguig

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Taguig City.

Sa Quezon City, kinilala ang natagpuang biktima na si Jake Macapanas, 21, ng Block 29, Florentino St., Sto Domingo.

Ang biktima ay may tatlong butas sa katawan na hinihinalang saksak ng icepick at bakas ng pagkakasakal sa leeg.

Ang nasabing bangkay ay nadiskubre ng isang Manuel Rivamonte, 45, construction worker habang naglalakad para bumili ng pagkain.

Ang ikalawang bangkay ng lalaki ay natagpuan kamakalawa ng alas-10:05 ng gabi sa Rambutan St., C-5 Extension FTI, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Ang biktima ay nakilala sa nakuhang postal ID sa bulsa ng kanyang pantalon na si Nicolas Deen Jr.

May hinala naman ang pulisya na posibleng patay na ang biktima nang itapon sa naturang lugar dahil halos walang umagos na dugo sa katawan at ulo nito sa kabila ng mga tinamong tama ng bala.

Nakuha ng pulisya sa tabi ng bangkay ang baril na ginamit ng mga salarin.

Show comments