MANILA, Philippines - Tila malalim ang iniisip at tulala ang isang 37-anyos na housemaid nang ito ay tumatawid sa riles kung kaya’t hindi napansin ang pagdating ng tren at nasagasaan ito at nakaladkad ng ilang metro kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.
Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Doneza de Guzman, tubong Bicol at stay-in sa bahay ng isang Elvira Dimasacay sa no. 1946 M. Aurelio St., Sta. Mesa, Maynila.
Lumalabas sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente dakong alas-9:30 ng umaga sa riles ng PhiÂlippine National Railways (PNR) malapit sa PNR-Sta Mesa Station ay inutusan ang biktima ng kanyang amo na mamalengke.
Una itong bumili ng bigas sa EM Pascual Rice Store at iniwan muna ang nabiÂling bigas dahil may bibilhin pa ito sa talipapa sa kabilang kalsada.
Habang tumatawid ay hindi umano nito narinig ang pagdating ng tren (MSCE 937) na patuÂngong Alabang na pinatatakbo ng opeÂrator na isang G. Cruz at nahagip ito.