Bong ‘pandayin’ mo na lang ang kaso!-Malacañang

MANILA, Philippines - “Pandayin na lang niya yung kaso niya. Sagutin na lang nya ang isyu, huwag na lang siya mandamay,”.

Ito ang naging sagot  ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa hamon ni Sen. Bong Revilla na sumailalim din sa lifestyle check maging si Pangulong Aquino.

Ang hamon anya ni Revilla na isama rin sa sasailalim sa lifestyle check si Pangulong Aquino ay irrelevant at wala naman itong kinalaman sa kinakaharap niyang kaso kaugnay sa maling paggamit ng pork barrel.

Tanong pa ni Lacierda: Ang hamon ba ni Revilla na ito sa Pa­ngulo ay makakadagdag sa kanyang kredibilidad na inakusahan ng mga whistleblo­wer na ‘kumita’ mula sa kanyang pork barrel ng ilagay ito sa mga bogus non-govern­mental organizations ni Janet Lim-Napoles na itinuturong utak ng P10 bilyong pork barrel scam.

Show comments