^

Police Metro

3 paslit natusta sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos nagmistulang uling ang tatlong batang magkakapatid matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa bayan ng San Gabriel, La Union.

Ang tatlong magkakapatid ay kinilalang sina Mae Joy Gacayan, 7-anyos; Sheena, 5-an­yos at Meynard Carl, 3-anyos.

Nakaligtas naman ang kuya nilang si John Mark, 10-anyos matapos na makatakbo palabas sa nasusunog nilang bahay.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi nang masunog ang bahay ng pamilya Gacayan na  matatagpuan sa Brgy. Polipol, San ­Gabriel, La Union.

Lumalabas sa imbestigasyon na pansamantalang iniwan ng kanilang ina ang mga biktima  upang pumunta sa kanilang taniman nang mangyari ang sunog.

Malaki ang paniwala ng pulisya na ang natumbang lampara sa bahay ng pamilya ang pinagmulan ng sunog dahil matagal ng walang kur­yente sa bahay.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

GACAYAN

JOHN MARK

LA UNION

LUMALABAS

MAE JOY GACAYAN

MEYNARD CARL

SAN GABRIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with