11 sugatan sa karambola ng sasakyan sa killer highway

MANILA, Philippines - Nasa 11 katao ang nasugatan matapos na salpukin ng isang pampasaherong bus ang walong sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon ay nawalan umano ng kontrol ang Mayamy Transport na  rumampa sa center island ng Commonwealth Avenue papuntang Quiapo  at napunta sa kabilang lane  na papuntang Fairview dahilan para banggain naman nito ang walong sasakyan na naroon.

Nabatid na ilang mga pasahero ng isang UV Express ang nasugatan, gayun din ang rider ng motorsiklo.

Tumakas naman ang driver at conductor ng nasabing bus.

Ang mga nasugatan ay dinala na sa East Avenue Medical Center para malapatan ng lunas.

Show comments