MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad sa isang buy bust operation ang isang provincial jail guard, lover nito at isang restaurant owner sa isinagawang buy bust operation sa Dagupan City at Tarlac.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Jayson Perez, 32 ng Tarlac provincial jailguard at live-in partner nitong si Marilyn Erese, 48, kapwa residente ng Sitio Tuba, Brgy.Matatalaib, Tarlac City, Tarlac; at restaurant owner na si Bolaw Jamal, 31, ng Marawi City at nakatira sa Mangin District, Dagupan City Pangasinan.
Ang maglive-in ay inaÂresto habang binebentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang PDEA agent na umaktong poseur-buyer sa nasabing lugar.
Nakumpiska sa magÂlive-in ang isang piraso ng sachet ng shabu, mga drug paraphernalias, isang .38 caliber revolver na may tatlong bala at dalawang tig P500 bills na ginamit bilang buy-bust money.
Nahuli naman si Jamal sa Mangin District, Dagupan City at nakumÂpiska mula rito ang isang piraso ng transparent plastic sachet ng shabu na ibenebenta niya sa isang PDEA poseur-buÂyer gayundin ang 21 piÂraso ng plastic sachets ng shabu na may timbang na 75 gramo at P1,000 bill na ginamit bilang marked money.