^

Police Metro

Binoga sa ulo kaharap ang misis...ginising para patayin

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang mister na ang paggising mula sa  tawag sa cellphone ng isang kakilala ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan nang barilin siya sa ulo matapos maki­pagkita rito kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arri­val sa ospital ay kinilalang si Ranil Espiritu, residente ng no. 1407 Quintos  St., Sampaloc, Maynila.

Ang suspek na tumakas ay isang  Ryan Gonzales, nasa pagitan ng 35-40-an­yos, residente ng Bambang St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Alma, natutulog na sila nang tawagan ang kaniyang mister sa cellphone ng suspek at  pinapapunta umano ito sa isang lugar.

Pinagbigyan at nagtungo ang mag-asawa sa panulukan ng Ma. Clara at Quintos Sts., Sampaloc, Maynila, dakong alas-12:30 ng madaling-araw at nadatnan nila ang  suspek na may kainuman na dalawang  lalaki.

Umupo ang biktima sa tabi ng suspek at nag-usap at ilang sandali ay nagkaroon ang mga ito nang mainitang pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay bumunot ng baril ang suspek at itinutok sa likod ng tenga ng biktima at ipinutok.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek kasama ang dalawang lalaki sakay ng isang tricycle. Isinugod naman sa University of Sto. Tomas Hospital ang biktima na namatay dakong ala 1:00 ng madaling araw.

vuukle comment

BAMBANG ST.

BIKTIMA

CLARA

MAYNILA

QUINTOS STS

RANIL ESPIRITU

RYAN GONZALES

TOMAS HOSPITAL

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with