Security chief ng hotel tinodas

MANILA, Philippines - Tatlong bala sa ulo ang tumapos sa isang security chief ng isang hotel nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang naka-duty kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Junar Ladiao, head security ng Emperor Kingdom Hotel at residente ng no. 1055 Makata St., Sta. Cruz, Maynila.

Hindi pa kilala ang suspek na nakita sa CCTV ng hotel na armado ng kalibre .45, nakasuot ng itim na jacket, t-shirt na puti ang panloob, nakasuot ng bull cap, maong na pantalon at sandals.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:39 ng gabi sa back entrance ng nasabing hotel na  matatagpuan sa 1025 Florentino St.,  Sta Cruz, Maynila nang lapitan ang biktima ng suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Sa imbestigasyon ng pulisya na marami ang nagagalit sa biktima dahil sa umano’y pagiging istrikto nito sa kanyang mga tauhan na security guard.

 

Show comments