Judge itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang kilalang judge matapos na ito ay pagbabarilin habang lulan ng kanyang kotse kasama ang misis ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa kahabaan ng Narra Drive, Brgy. Tugbungan,  Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Renerio Estacio, Presiding Judge ng Branch 14 ng Zamboanga Regional Trial Court (RTC). Habang masu­werteng hindi tinamaan ang misis nito.

Batay sa ulat, dakong alas-7:40 ng umaga ay lulan si Estacio ng kaniyang Honda CRV (KCH-111) at binabagtas ang lugar nang dikitan ng mga suspek na sakay ng motorsiklong Honda na walang plaka nang pagbabarilin.

Mabilis na tumakas ang  dalawang suspek matapos na matiyak na tinamaan ang kanilang target.

Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang motibo ng mga salarin sa pamamaslang sa nasabing huwes.

Show comments