^

Police Metro

7-anyos na bata nabawi sa kidnappers

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ligtas na nabawi ng Naic-PNP ang isang 7-anyos na batang lalaki sa kamay ng kanyang mga kidnaper sa isinagawang drug operation kamakalawa ng gabi sa Naic, Cavite.

Sa ulat ni  Cavite Provincial Director S/Supt. Joselito Esquivel Jr., nagsagawa ang grupo ni P/Supt. Hermogenes Cabe ng buy-bust operation sa Barangay Ibayo Estacion dahil sa tip na may nagaganap na bilihan ng droga sa lugar.

Dito ay naaresto ang mga suspek na sina Julius Abagon, 33; Salvacion Abagon, 42; at Jason Angeles, 39 at nasamsam sa mga ito ang marked money at  ilang gramo ng shabu.

Sa isinagawang interogasyon ay nabatid na ang mga suspek ay responsable sa pagkidnap sa biktimang si John Ringo B. Acusar, ng Buenavista 3, General Trias, Cavite  na  kinidnap noong Pebrero 10 habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Ikinanta ni Salvacion na sila ang kumuha sa bata at inginuso ang kanilang hideout sa Tramo, Ibayo Estacion, Naic, Cavite at dito ay ligtas na nabawi ang bata.

Bukod sa kasong droga ay kinasuhan din ang mga ito ng  kidnapping.

vuukle comment

BARANGAY IBAYO ESTACION

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR S

GENERAL TRIAS

HERMOGENES CABE

IBAYO ESTACION

JASON ANGELES

JOHN RINGO B

JOSELITO ESQUIVEL JR.

NAIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with