^

Police Metro

Vintage bomb ginawang kampana

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi agad napansin kamakalawa ay posibleng mara­ming nagbuwis ng buhay na mga deboto matapos na ginawang kampana ng simbahan ang zz napulot na vintage bomb sa bayan ng Magallanes, Agusan del Norte.

Sa ulat, bandang alas-11:30 ng umaga nang madiskubre ang vintage bomb na 155 MM na ginawang kampana sa Senior San Isidro Labrador Chapel sa Brgy. Caloc-an, Magallanes ng lalawigan.

Sa imbestigasyon, napulot ng kampanero ang vintage bomb  sa pag-aakalang isa lamang uri ng may hugis na bakal na isinabit nito at ginawang improvised na kampana.

Maging ang mga  deboto ay hindi rin batid na vintage bomb ang ginawang kampana sa kanilang simbahan at napansin lang ito ng isang residente na pamilyar sa mga bomba matapos na gumuho ang isang bahagi ng pader ng chapel.

Mabilis na nag­responde ang mga ope­ratiba ng Explosives Ordnance Division Unit ng 13th Regional Public Safety Battalion at nakumpirmang bomba ang ginawang improvised na kampana ng simbahan.

Nasa kustodya na ng pulisya ang narekober na vintage bomb para sa kaukulang disposisyon.

AGUSAN

BRGY

CALOC

EXPLOSIVES ORDNANCE DIVISION UNIT

MABILIS

MAGALLANES

NORTE

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SENIOR SAN ISIDRO LABRADOR CHAPEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with