Sekyu dinedo ng kabaro

MANILA, Philippines - Sabog ang katawan ng isang sekyu nang barilin ito ng shotgun matapos na magtalo tungkol sa kanilang mga trabaho naganap kahapon ng umaga  sa loob ng binabantayang subdivision sa Brgy. Niog 2, Bacoor City, Cavite.

Namatay noon din ang biktima na si Arnel Rollo, nasa hustong gulang may asawa at residente ng Tramo 2, San Roque, Parañaque City.

Nadakip naman ang suspek na si Reynaldo Catarining, 29, binata, residente ng Dimson Compound, Brgy. Tanyag, Taguig City.

Sa ulat, dakong alas-5:03 ng umaga  ay magkasama sa kanilang outpost sa Rosewood Village, Brgy. Niog 2 at dito ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo tungkol sa oras ng kanilang duty.

Napikon ang suspek at agad nitong binaril ng dalang shotgun ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Show comments