MANILA, Philippines - Nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na lalaki kabilang ang isang dating Pinoy Big Brother (teen housemate edition) na lumalabas sa mga telebisyon sa aktong sumisinghot ng marijuana sa isang international music festival sa Clarkfield, Pampanga.
Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., dahil sa 17-anyos lang ang aktor ay itinago ito sa inisyal na “TK†na kasama sa TV series, na “Galema†at dating kasama sa nabanggit na popular reality TV show.
Habang ang ibang kasamahan nito ay kinilalang sina Juan Paulo Serafica, 19; Geano Dionisio, 23, pawang mga residente sa Quezon City; at isa pang 17-anyos na lalaki.
Batay sa ulat, ganap na alas-11:45 ng gabi noong Sabado nang maaresto ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3), PDEA Special Enforcement Service (PDEA SES), City Public Safety Company (CPSC), Angeles City Police Office at ng 302nd Air Intelligence and Security Squadron, Philippine Air Force na itinalaga sa 7107 International Music Festival, Global City, Clarkfield, Pampanga habang humihithit ng marijuana.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang stainless box na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana; isang piraso ng stick ng marijuana; at isang kulay asul na tableta na hinihinalang valium at isang smoking pipe na may residue ng marijuana.
Kinasuhan sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 15 (Use of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Habang ang dalawang binatilyo ay itinurn-over naman ng PDEA sa Department of Social Welfare and DeveÂlopment (DSWD), sa San Fernando, Pampanga.
Kahit menor de edad ay may pananagutan din umanong kriminal ang dalawa sa ilalim ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, kapag napatunayan umano ng korte na lumaÂbag sila sa anti-drug law.