Napoles hindi pinayagan sa St. Luke’s

MANILA, Philippines - Maaari nang magpa-check-up sa labas ng kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo, Sta.Rosa, Laguna si Janet Lim Napoles matapos magpalabas ng desisyon kahapon ang Makati City Regional Trial Court.

Sa desisyon ni Makati­ City RTC Judge Elmo Alameda, ng Branch 150, maaaring makapagpa-check-up sa labas ng kanyang kulungan
si Napoles, subalit  hindi sa ninanais nitong ospital na Saint Luke’s  Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Puwede lamang itong makapagpa-check-up  sa ospital ng Camp Crame dahil lumilitaw na walang emergency para dalhin sa pribadong ospital si Napoles na binase ng hukom sa naging testimonya ni Senior Inspector Dr. Mike Angelo Michael V. Luna na  nakatalagang doctor  sa Fort  Sto. Domingo.

Ayon kay Dr. Luna na may sapat na gamit ang ospital ng Camp  Crame para sa transvaginal ultrasound ni Napoles.

Matatandaan, na hinirit ng kampo ni Napoles noong isang linggo sa korte na nais nitong  magpa-check-up sa Saint Luke’s Hospital o
mag-pa-hospital arrest dahil sa nararanasang pananakit ng tiyan at abnormal menstrual blee­ding.

 

Show comments