Iranian inutas ng kababayan... utang bayad buhay

MANILA, Philippines - Kamatayan ang na­ging kabayaran sa hindi pagbabayad ng utang ng isang Iranian national sa kanyang kalahi kaya’t ina­tado ito ng saksak naganap kamakalawa sa Dagupan City, Pangasinan.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Decena Hospital sa Bonuan Gueset ay kinilalang si Bagher Nasserosta, 27,  nursing student. Habang ang suspek na mabilis na nadakip ay kinilalang si  Afshin Mamdavi, 38, nursing student din.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-9:30 ng gabi sa door 3 ng Rayos Apartment, Brgy. Bonuan Gueset ay sinisi­ngil umano ng suspek ang biktima sa utang nitong pera na hindi nabanggit kung magkano ang halaga.

Subalit, walang pamba­yad ang biktima na ikinairita ng suspek na humantong sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaksak. Ang suspek ay kinasuhan ng murder.

Show comments