^

Police Metro

‘Careless day’ isinusulong ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “careless day” sa kahabaan ng EDSA dahil sa layuning maibsan ang masikip na daloy ng trapiko na inaasa­hang idudulot ng sangkatutak na infrastructure pro­jects na sisimulan ngayong 2014 sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Sa ‘careless day’ ay may araw na hindi papayagang padaanin  sa kahabaan ng EDSA ang mga pampribadong behikulo o may plakang kulay berde.

Sa isinagawang dalawang araw na MMDA Traffic Summit, naunang pinanukala ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa Department of Education ang “four days a week” na pasok sa mga paaralan.

Nabatid, na ngayong Lunes, Pebrero 17, magsisimula na ang pagtatayo ng Skyway 3 na magdudugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) at South

Luzon Expressway (SLEX), na isa lamang  sa 15 infrastructure projects ng gobyerno na nakalinya hanggang taong  2016.

Dahil sa mga road projects ng pamahalaan, nagbabala  Department of Public Works and Highways (DPWH), na dalawang taong mabigat na daloy ng trapiko ang mararanasan at  titiisin ng mga motorista at mga commuters.

 

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LUZON EXPRESSWAY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

TRAFFIC SUMMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with