MANILA, Philippines - Napisak ang isang obrero makaraang mabagsakan ng pader na kanilang ginigiba sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.
Kinilala ni Police Senior Supt. Roque Eduardo Vega, hepe ng Muntinlupa City Police ang biktima na si Joselito Bairoy, 48, nakatira sa Barangay Upper Sucat sa lungsod.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Eduardo Rodaje, ng Muntinlupa Homicide section, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng umaga sa #37 Km 23, Ibarra St., Rizal Village, Barangay Cupang, Muntinlupa City.
Ayon sa report, habang abala ang dalawang kasama ng biktima na sina Jimmy Solano, 58 at Julian Macuha, 40, kapwa taga Barangay Upper Sucat ng natuÂrang lungsod sa pagsasagawa ng demolition sa isang abandonadong gusali nang mabagsakan ng gumuhong pader ang biktima na noon ay nagtatanggal ng mga bakal.
Sa tindi ng pagkakaÂdagan ng pader sa biktima kaya napisak ang katawan nito at agad na nasawi.
Kaagad naman ipinagbigay alam nina Solano at Macuha ang insidente sa iba pa nilang kasamahan na siyang nagtulong-tulong para alisin ang dumagan na pader sa biktima.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masuÂsing imbestigasyon ang pulisÂya at posibleng paÂpanagutin ang may-ari ng ginigibang gusali dahil sa kawalan ng kaukulang safety net ng kanyang mga trabahador.