Tumalon sa 18th floor: Call center agent nalasog
MANILA, Philippines - Nagkalasog-lasog ang katawan ng call center agent matapos umano itong tumalon mula sa 18th floor ng gusali sa Makati City, kahapon ng umaga.
Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng pulisya ang tunay na pangalan nang nasawing biktima na kinilala lamang ito sa isang “alias Aser†umuupa ito sa Room 1807, 18th floor, Western Ayala Tower, na matatagpuan sa Urban Avenue, Barangay Pio del Pilar ng naturang lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Rico Caramat, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-10:41 ng umaga.
Ayon kay SPO1 Caramat, wala pa silang gaanong detalye hinggil sa pagtalon ng biktima at inaalam pa rin nila ang buong pangalan nito.
Sinasabing ang biktima ay pinaniniwalaang isang Chinese national at nagtratrabaho umano ito bilang call center agent sa isang tanggapan sa naturang gusali. Patuloy pa nilang iniimbestigahan ang naturang insidente.
- Latest