Pumatay sa tatay ni Jeffrey Tam naaresto

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang pumatay sa ama ng komedyante at mahikerong si Jeffrey Tam na ilang ulit na pinagulungan na paatras-abante ng sasakyan upang siguraduhing patay kamakailan sa Lucena City, Quezon.

Ang suspek ay kinilalang si Patrick Palemo Nobleza, 21-anyos na nasakote dakong alas-6:00 ng gabi sa bahay nito sa Brgy. Cotta, Lucena City.

Isang tricycle driver ang nakakita sa suspek na  nagmaneho ng sasakyan na isang kulay dilaw na SUV Isuzu Crosswind na palayo sa lugar matapos na mapatay ang biktimang si Alfredo Francisco Tam, 67-anyos na inabandona sa hangganan ng provincial road ng lungsod ng Tayabas at Lucena noong Martes ng madaling-araw.

Inamin ng suspek na nagpasama umano sa kaniya ang matanda na mambabae kung saan nagkaroon sila ng argumento sa loob ng sasakyan at nagdilim ang kaniyang isip nang pagsusuntukin siya nito kaya ginantihan niya kung saan ay pinaghahampas niya sa ulo.

Nang mapatay ay inihulog niya ito sa highway  at  sinagasaan ng ilang beses upang tiyakin na hindi na mabubuhay pa.

Show comments