2 holdaper napatay sa hideout

MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko ay lumaban ang tatlong holdaper sa mga otoridad na sumalakay sa kanilang pinagkukutaan na kung saan ay nasawi ang da­lawa habang naaresto ang isa nanaganap kamakalawa sa Morong, Rizal.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Sa­neto Campuesto Jr., 24, alyas,”Roy”, at isang alyas “Bong Villareal”, nasa hustong gulang, kapwa
residente ng Sitio Taghangin, Brgy. Maybangkal, Morong. Habang nadakip si Lusdie Mallo, 22, binata.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon bago nangyari ang engkuwentro sa Sitio Taghangin, Brgy. Maybangkal, Morong, Rizal ay sina­lakay ng mga pulis ang kuta ng mga suspek matapos
makatanggap ng impor­masyon.

Subalit, natunugan ng mga suspek ang pagdating ng mga otoridad, kaya’t nang pasukin ang compound ay kaagad nagpaulan ng bala. Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

Nabatid na ang mga suspek ay responsable sa panghoholdap sa isang carwash sa Circumfe­rential road, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Show comments