71-anyos lolo ginilitan

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ng kanyang kasambahay ang isang 71-anyos na lolo na laslas ang leeg sa loob ng bahay nito kahapon sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinilalang si Antonio Rodriguez, ng T. Santiago St., Barangay Lingunan ng  naturang  lungsod.

Sa ulat, alas-9:45 ng umaga ay  dadalhan ng pagkain ang biktima ng kasambahay na  si Dani­ca Ann Gonzales, na nagtratrabaho sa canteen na kaharap ng bahay ng matanda.

Pagpasok ni Gonzales ay laking gulat nang makitang nakahandusay ang biktima na  naliligo sa  dugo habang laslas ang leeg.

Agad nitong ipinagbigay sa kaanak ng biktima ang nangyaring krimen na tumawag ng mga pulis para sa imbes­tigasyon para makilala ang suspek.

 

Show comments