1 miyembro ng‘Bicycle Gang, napatay

MANILA, Philippines - Isa sa tatlong holdaper na miyembro ng “Bicycle Gang” ang nasawi habang ang isa ay nakatakas at ang isa ay naaresto na naganap kahapon ng mada­ling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Ang suspek na nasawi dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Richard Papa, 37, may-asawa, residente ng no. 4522 Int.2 V. Francisco  St., Sta. Mesa, Maynila.

Nadakip naman ang kasama nitong si Arnulfo Cundina, 37, may-asawa, helper, residente ng no.1521 Lubiran  St., Bacood, Sta. Mesa, Maynila. Habang  nakatakas ang isa pa.

Batay sa ulat, bago naganap ang barilan dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa kanto ng Dos Castillas at Fajardo Sts.,  Sampaloc, Maynila ay sinita ng mga napapat­rulyang pulis ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek na nakahimpil sakay ng mga bisikleta.

Nang lalapitan ay big­lang  bumunot ng baril si Papa at pinaputukan ang mga pulis, subalit hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis at dito ay agad tinamaan si Papa na armado ng kalibre .38 baril.Habang si Cundina ay nakumpiskahan ng paltik na kalibre .38 pistola.

Nabatid ang grupo ay responsable sa panghuholdap sa isang bigasan na nakunan ng CCTV at sakay ng bisekleta sa pagtakas.

Show comments