Ina na paralisado ginahasa ng adik na anak

MANILA, Philippines - Walang awa na ginahasa ng isang 21-anyos na anak na isang  drug addict ang sariling ina  na paralisado ang kalahating katawan sa Taguig City.

Kahapon ay isinampa na ang kasong rape ng Taguig City police laban sa hindi pinangalanang suspek bilang protektahan ang pagkakakilanlan ng ina na ginahasa nito.

Sa salaysay ng 39-anyos na ginang kay PO3 Cynthia Nanggan,  ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police, pasado alas-9:00 ng gabi noong Biyernes  nang halayin siya ng kanyang anak na noon ay sabog sa ipinagbabawal na gamot sa loob ng kanilang bahay sa Creekland, Barangay  Hagonoy ng lunsod.

Ayon sa ginang na sila ay nag-inuman mag-ina sa loob ng bahay at dito ay tumira ng shabu ang anak makaraang makaubos ng ilang bote ng beer.

Nang tamaan ng tinirang shabu ay pinasok nito ang silid ang ina na binusalan ang bibig at puwersahang hinalay.

Matapos ang panghahalay ay nagtatakbong palabas ang suspek, su­balit nakapagsumbong ang biktima sa barangay na tumugis sa suspek hanggang sa ito ay maaresto.

Show comments