^

Police Metro

LTFRB chief pinagbibitiw

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahilan sa sunod-sunod na malalagim na aksidente na kinasasangkutan ng mga bus kung kaya’t hiniling ng mga independent minority block sa Kamara na magbitiw sa puwesto si Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairman Winston Ginez.

Sinabi ng grupo, kailangan na magbitiw sa puwesto si Gines, dahil sa kawalan ng franchise system ng LTFRB  at hindi rin nito alam kung ilan ang nabigyan ng prangkisa sa buong Pilipinas.

Ipinaliwanag pa ng mga mambabatas na ayaw na nilang hintayin pa na kada linggo ay magkaroon ng malagim na aksidente ng mga bus at tanging ang responsiblidad lang ni Ginez ay isuspinde ang prankisa ng mga sangkot sa aksidente.

Nakakalungkot anya na isipin na malalaman lang ng mga opisyal ang kanilang pagkukulang sa tuwing may nangyayaring malagim na aksidente.

 

DAHILAN

GINES

GINEZ

IPINALIWANAG

KAMARA

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

NAKAKALUNGKOT

PILIPINAS

SINABI

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with