2 killer ng mag-ama sa Malabon nadakip na

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang suspek na pumatay at pagnakawan ang isang mag-ama sa Malabon City kamakailan ang sumuko sa pulisya dahil sa pag-usig ng kanyang konsensiya.

Inihayag ng suspek na si Anthony Sernechez, 26-anyos, ng Julian Felipe St., Sapang Saging, Barangay 8, Caloocan City na hindi siya maka­tulog at matinding pag-uusig ng konsensiya kaya nagawang sumuko sa kanyang tiyuhing tanod na si Rodolfo Sernechez, dakong alas-6:00 ng gabi.

Ayon kay Anthony na lasing siya noon nang gawin nila ang krimen sa mag-amang sina Felizardo Coralde, 46 at anak nitong si Albert, 19 noong Miyerkules ng madaling-araw na kung saan ay kasama niya ang pinsang si Aries Santos  na  gumilit sa  leeg  ng mag-ama.

Sa salaysay ni Anthony sa pulisya na siya ang gumapos sa mag-ama at ang gumilit ng leeg ay si Santos na galit sa mag-ama na napag-alamang tiyuhin si  Felizardo at pinsan ang anak nitong si Albert.

Tanging pagnanakaw lamang ang kanilang puntirya, subalit   nang alisin ni Felizardo ang piring sa mga mata ay nakita at nakilala sila kaya tinuluyan  na itong patayin.



Naaresto naman si Santos sa isang lugar sa Batangas City kahapon.

Show comments