^

Police Metro

Tanod rumesponde sa away, napatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 35-anyos na barangay tanod nang saksakin siya ng mga suspek matapos na magresponde sa isang away sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Roland Santiago ng Bgy. 92, Zone 8, may-asawa ng 369 Navarro St., Tondo, Manila sanhi ng saksak sa katawan.

Ang mga suspek na tumakas ay kinilalang sina Reynaldo Santos, alias “Butchoy”, isa ring barangay tanod; Bong Gorgon; alias “Boy Mazo” ng Aeta St., Tondo.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay rumesponde ang biktima sa isang gulo sa S. Trinidad St., Tondo tungkol sa isang barangay kagawad na umano’y pinagtutulungan saksakin ng mga suspek.

Hindi umano nagustuhan ng mga suspek ang pakikialam ng biktima kaya’t sinaksak nila ito.

vuukle comment

AETA ST.

BGY

BONG GORGON

BOY MAZO

NAVARRO ST.

REYNALDO SANTOS

ROLAND SANTIAGO

TONDO MEDICAL CENTER

TRINIDAD ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with