MANILA, Philippines - Tinanggal kahapon sa kanilang puwesto ang limang pulis ng SouÂthern Police District Office (SPDO) na nagproseso sa pagpapa-blotter ng grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa Taguig City.
Ayon kay SPDO director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte pansamantalang tinanggal sa puwesto ang hepe ng District Investigation and Detective Management (DIDM) na si Supt.Nelson Bautista; ang nagsulat ng blotter na si PO3 Dalmacio Lumiwan; Sr. Insp. Eduardo Alcantara; PO3s Lory Laureto at Eugene Pugal.
Inilagay ang limang pulis sa District Personnel Holding Unit ng SPDO habang iniimÂbestigahan ang mga ito ng District Internal Affairs Service na posibleng maharap sa kasong administratibo matapos na hindi nila pina-medical exam si Navarro kahit nakita na nilang bugbog sarado ito.
Kapag mapatutuÂnayan aniÂyang nagkulang ang mga
puÂlis ay mahaharap sila sa parusa, subalit kung mapatutunayang ginawa nila ang lahat at walang naging pagkukulang ay ibabalik din sila sa
kani-kanilang puwesto.
Una nang sinabi ng abogado ni Navarro ang kakulangan at kapabaÂyaan sa proseso ng pagba-blotter sa kanyang kliÂyente.