MANILA, Philippines - Isa man sa mga furniture o appliances sa loob ng condominium unit na inokupahan ni Deniece Cornejo ay walang nasira na taliwas sa unang inihayag ni Cedric Lee nang ito ay kapanayamin.
“Nakasabit pa rin (‘yung TV). Sinabi naman ni Mrs. (Soledad) Ramos na so far wala naman siyang nakitang mga gamit na nadagdag o nabawas doon nung pinagamit niya ‘yung (unit) kay Mr. Greg Binunus,†wika ni Atty. Rommel Ramirez ng NBI sa mga reporter sa isang presscon.
Nabatid na si Ramos ay siyang may-ari ng unit na inokupahan ni Cornejo sa Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City na kung saan naganap ang pambubugbog kay television host Vhong Navarro ng grupo ni Lee noong January 22.
Pinaupahan ni Ramos ang unit kay Binunus, isang Malaysian national na siyang nagbigay permiso kay Cornejo na tumira doon at dalawang araw pa lang ito sa unit nang dalhin niya si Navarro noong January 17.
“Ang nakita namin ay maayos naman. Wala naman kaming nakitang pupuwede naming masabing sira. ‘Yung nadatnan namin is maayos ‘yung kalagayan ng furniture at equipment at saka electronics,†pahayag ng NBI agent.
Magugunita na inihayag ni Lee na totoo na hinihingan niya ng P1 milyon si Navarro na kabayaran sa mga nasiÂrang furniture at appliances nang kanilang gulpihin at arestuhin ang aktor sa tangkang pangÂhahalay kay Cornejo.
Hindi rin nagalaw ang pagkaing dala ni Navarro ng gabi na siya ay gulpihin.
Maghaharap sa daraÂting na Pebrero 14 ang kampo nina Navarro; Cedric; Cornejo at iba para sa preliminary investigation.