China may kinalaman sa ginawa ng HK para gipitin ang Pinas

MANILA, Philippines - Ang bansang China ang hinihinala ni  Valen­zuela City  Rep. Sherwin Gatchalian ang nagtutulak sa Hong Kong para patuloy na gipitin ang Pilipinas at humingi ng paumanhin sa nangyari sa Manila hostttage crisis.

Ayon kay Gatchalian, napakatagal nang nangyari ang hostage crisis at nagpakita na ng lubos na pakikisimpatiya ang gobyerno sa pamilya ng mga nasawing turista kayat nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon ay isyu pa rin ito para sa gobyerno ng Hong Kong.

Hindi na rin umano magtataka ang kongresista kung ang China ang nanggagatong sa isyu dahil nilalabanan ng  Pilipinas ang pang­bu-bully nito at iniakyat pa sa United Nations Arbitration Tribunal ang reklamo rito.
Kayat nagbabala si Gatchalian na mas lalong bumigat sa mga darating na araw ang sanctions ng Hong Kong sa bansa dahil ang itinakdang visa requirement para sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ay unang bahagi pa lamang umano ng saction.

 

Show comments