^

Police Metro

6 patay, iniwan ni Basyang

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Eduar­do del Rosario na 6 katao nasawi sa bagyong Bas­yang na nanalasa sa siyam na  lalawigan sa Min­danao at Visayas.

Kinilala ang mga nasawi na sina Vincent Paras Jayme, 5, ng Brgy. Poblacion, Compostela, Cebu; Allan Cris Lisondra Degino, 14, ng Samboan, Cebu; Jaose Haji Aque Babatid, 22, ng Balamban, Cebu; Danny Tundag, 24, ng Daanbantayan, Cebu;  Anthony Garcia, 63 ng Bantayan, Cebu; at Dionesio Paler, 66 ng Maasin City, Southern Leyte.

Naapektuhan din ni Basyang ang 9,328 pamil­ya o katumbas na 42,987 katao sa 38 munisipalidad, pitong lungsod sa siyam na lalawigan sa Regions VI, VII, VIII at CARAGA .

Natagpuan na rin  ang isang turistang Koreano at apat nitong kasamahan na unang napaulat na nawawala  kamakalawa ng lumubog ang sinasakyang bangka sa Camotes Island, Cebu.

Nabatid na 19 insidente ng landslide ang naitala, apat na pagbaha at dalawang sakuna sa karagatan matapos na manalasa si Basyang sa Visayas Region at Min­danao bago tuluyang lumabas ng bansa kamakalawa ng umaga sa bahagi ng West Philippine Sea.

 

ALLAN CRIS LISONDRA DEGINO

ANTHONY GARCIA

BASYANG

CAMOTES ISLAND

CEBU

DANNY TUNDAG

DIONESIO PALER

DIRECTOR EDUAR

JAOSE HAJI AQUE BABATID

MAASIN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with