Mister iniwan ng kinakasama, nagbigti

MANILA, Philippines - Nagbigti ang isang mister matapos siyang iwan ng kanyang live-in-partner sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Ramil Andal,  48, nakatira sa Everlasting St., Barangay Tanza ng naturang  lungsod.

Ayon sa Navotas City Police, alas-3:30 ng madaling araw nang makita ang biktima ng kanyang kapatid na si Rodolfo na nakabigti ng nylon cord sa loob ng kanyang kuwarto.

Sinabi ni Rodolfo, bago naganap ang pagpapatiwakal, nabatid na naging malulungkutin ang biktima mula ng iwan siya ng dating kinakasama na hindi na tinukoy ang pangalan.

Posible umanong na-depress o labis na dinamdam ng biktima ang pag-iwan sa kanyang ng ka-live-in partner.

 

Show comments