Presyo ng LPG bumaba

MANILA, Philippines - Ngayong araw ay bu­maba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng Petron Corporation.

Epektibo alas-12:01 ng madaling-araw  nang simulan ang pagbaba ng presyo sa kanilang cooking gas  ng P1.45 kada 11 kilo na tangke na may katumbas na P15.95

Ayon kay Raffy Le­desma, Com­muni­ca­tion Strategic
chief ng Petron Corporation, ibinaba rin nila sa  P0.81 kada litro ang X-tend Auto LPG at ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng pagbaba rin ng presyo sa  pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod din ang iba pang kumpanya na magbababa ng kanilang presyo.

Show comments