36 bahay sa QC nilamon ng apoy

Naabo ang may 36 kabahayan sa Brgy. Pasong Tamo, Banlat St., Quezon City  nang maganap ang isang sunog na  ikinasawi ng isang katao nang atakehin sa puso kahapon.- Boy Santos-

MANILA, Philippines - Umaabot sa 36 kabahayan ang nilamon ng apoy nang maganap ang sunog sa Sitio Pasong Cruz, Barangay Pasong Tamo, Quezon City na kung saan ay isa ang nasawi nang atakihin sa puso naganap kahapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Cherry Samonte, 51, habang nasugatan sina Arnel Beltran, 37, at Virginia Promentina, 49 nang makalanghap ng usok.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng hapon nang magsimula ang apoy sa bahay ng isang Amy Tybocsing, 36, na matatagpuan sa Sitio Pasong Cruz ng nasabing barangay na mabilis na kumalat sa katabing mga kabahayan.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at dito ay nasa 144 na pamilya ang nawalan ng bahay na naapula ganap na alas-3:20 ng hapon na kung saan ay aabot sa P2 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo.

 

Show comments