^

Police Metro

Ex-mayor todas sa bitag ng hayop

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dating alkalde ang nasawi nang mabitag ito sa patibong na inilagay para sa mga ligaw na hayop sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Mountain Pro-vince kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Donald Olivia, dating alkalde ng Natonin sa nasabing lalawigan na ang bangkay ay natagpuang duguan sa tama ng bala ng shotgun na siyang bitag na patibong ng mga mangangaso na sinamahan nito sa pangha-hanting ng mga baboy damo at usa sa kagubatan.

Nabatid na natagpuang may malalim na sugat sa kaniyang paa ang dating alkalde na posible umanong namatay sa pagkaubos ng dugo at hypothermia.

Ang hypothermia ay umaatake kapag hindi na nakayanan ng katawan ng isang tao ang sobrang lamig ng katawan na maari ring magresulta sa cardiac arrest.

Nang mangyari ang insidente, nabatid na nasa 8.5 degrees Celsius ang temperature ng panahon sa Cordillera Administrative Region na dumaranas ng cold spell kung saan nagyelo na rin sa Mt. Pulag sa Benguet.

Sa imbestigasyon na ang nasabing dating opisyal ay may kasamang 10 ma-ngangaso na umakyat sa kabundukan ng Mountain Province nang mangyari ang trahedya.

 

BENGUET

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DONALD OLIVIA

ISANG

MOUNTAIN PRO

MOUNTAIN PROVINCE

MT. PULAG

NABATID

NANG

NATONIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with