MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad sa isang engkuwentro ang dalawang lalaki na nakamotor matapos holdapin ang isang gasoline station kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Walang nakuhang identification card sa katawan ng mga nasaÂwing suspek na inilarawan ang isa na nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’2â€, nakasuot ng asul na t-shirt, at itim na short at helmet, habang ang ikalawa ay nasa pagitan ng edad 30-35 anyos, may taas na 5’0â€, nakasuot ng kulay asul at green na t-shirt, itim na short at helmet.
Sa ulat, bago nangyari ang engkuwentro dakong alas-12:05 ng madaling-araw sa panulukan ng 11th St., malapit sa Balete Drive, Brgy.Mariana ay hinoldap muna ng mga suspek ang Flying V gasoÂline station na matatagpuan sa G. Araneta Avenue, malapit sa kanto ng E. Rodriguez St., Blvd, Brgy. Doña Imelda.
Tinutukan ng mga suspek ang cashier na si Gina Tamayo, 25, at tinangay ang cell phone nito, maging ng kasamahang gasoline boy na si Erickson Mantala, 18.
Agad na tumakas ang mga suspek patungong E. Rodriguez Sr., Blvd., papuntang Cubao na agad ipinagbigay alam ni Gina ang pangyayari sa nagpapatrulyang mobile car na QCPD-168 at humingi ng back up.
Naispatan ng mga pulis ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo at hinabol ito hanggang sa makorner sa 11th St., panuÂlukan ng Balete Drive, Brgy. Mariana.
Sa halip na sumuko ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis dahilan para mauwi ito sa engkwentro na ikinasawi ng dalawang suspek.
Narekober sa lugar ang dalawang cellphone, isang kalibre 38 baril, isang kalibre 22 magnum at mga basyo ng bala ng baril, at isang Honda XRM 110 na kulay itim at walang plaka.