MANILA, Philippines - Dalawang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon.
Ang unang biktima ay nakabalot ng garbage bag nang matagpuan ng ilang rumorondang guwardiya ng University of the Philippines (UP) Diliman. Ito ay nakasuot ng dilaw na may mahabang manggas na pang itaas at naka-itim na shorts.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay nakadapa at naÂkagapos sa likod ang kamay nito pati na rin ang mga paa gamit ang packaging tape. Nasa harap nito ang kanyang tsinelas at sa tabi ay may karatulang “Akyat bahay ako, ‘wag tularanâ€.
Hinihinala ng pulisya na patay na ito nang itinapon sa nabanggit na lugar dahil matigas na ang bangkay nang natagpuan dakong alas-5:00 ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may limang saksak ng ice pick sa kaliwang dibdib ang biktima at may mga tattoo rin ito sa katawan na may mga pangalang “Reyâ€, “Reynaldo†at katagang “Batang City Jail†sa likuran nito.
Ang pangalawang biktima ay natagpuan naman sa Barangay Pasong Tamo sa lungsod.
Pasado alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima sa isang bakanteng lote sa Marcos Compound sa nasabing Barangay.
Nakasuot ng shorts at asul na sando ang biktima. Ito ay nakadapa at nakagapos din ang kamay nito sa likod gamit ang isang tali na mistulang sintas ng sapatos at may tattoo rin ang biktima.
Ito ay may tama ng kalibre .45 baril sa likod at iba pang parte ng kanyang katawan.