Suspek sa rape/slay sa Cavite, arestado

MANILA, Philippines - Arestado kahapon sa mga tauhan ng Naic Police, sa Cavite City ang dalawang suspek sa karumal dumal na pagpatay at panggagahasa sa isang 10-anyos na batang estudyante at itinapon pa sa imburnal ng isang subdivision ang bangkay nito.

Kasalukuyan ngayong nakakulong sa Naic Police Station ang dalawang suspek na nakilalang sina Aries Novero 38, walang trabaho, residente ng Brgy Malainen at si Daniel Ligaya alias Dangue. Huling nakitang buhay ang biktima na nakilalang si Franchesca Catibayan Santos, bandang alas-4:00 ng hapon noong Biyernes.

Galing sa Malainen Luma Elementary School ang biktima nang abangan umano ng mga suspek at sinubukan kausapin na sumama sa kanila pero tumanggi ang bata kaya binuhat na lamang ito at dinala ang isang masukal na lugar at doon ginahasa at karumal-dumal na pinatay.

 

Show comments