Singil sa Manila Zoo tumaas

MANILA, Philippines - Nagtaas ng 300 porsiyento ang singil sa Manila Zoo na pinasimulan noong Enero 15 na ikinagulat ng mga  nagtungo doon.

Yung dating P20.00 sa  entrance fee na para lang sa mga residente ng Maynila ay nasa P60.00 habang ang mga hindi residente ng Maynila na ang dating si­ngil ay P60.00 ay P100.00 na ngayon.

Ayon kay Manila Parks and Recreation Bureau director James Albert Dichaves, may mga pagbabagong ginawa sa parke kaya nila tinaasan ang singil na kung saan ay plano rin umano nilang maglagay ng mga dagdag na hayop tulad ng white-handed gibbons (Hylobates lar) at vervet monkeys (Chlorocebus pygery).

Kabilang sa mga la­test attraction ng pasyalan ay ang animal-feeding at photo booth areas.

Show comments