MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ng pamunuan ng PhilipÂpine National Police (PNP) ang 90 opisyal na napatunayang sangkot sa pangdo-doktor sa mga insidente ng kriminalidad na nagaganap sa kanilang mga hurisdikyon.
Kabilang sa mga nasibak ay isang Regional Director, 8 na Provincial Directors at nasa 81 pang mga Chief of Police at Station Commanders.
Una nang nagbabala si PNP Chief Director General Alan Purisima sa mga Regional Directors, Provincial Directors, station commanders at mga hepe na mahaharap sa imbestigasyon at sisibakin sa puwesto kapag napatunaÂyang guilty sa pagbabawas ng krimen o pandodoktor ng crime report.
Nagpaliwanag naman ang mga opisyal na ang pagtaas ng krimiÂnalidad ay sanhi ng marami silang nadiskubÂreng hindi inirereport ng makatotohanan sa PNP Headquarters sa Camp Crame.
Binigyang diin ng opisyal na hindi lamang ang mga krimen na naireport sa blotter ang kanilang inirerekord kundi kasama na dito ang wala sa blotter.
Samantala, isinulong naman ng PNP ang bagong data base hinggil sa pagrerekord ng kriminalidad o ang Crime Incident Recording System na isang investigative form na tatlong kopya, isa rito ay para sa nagrereklamo.