Bata ni-rape/slay sa plaza
MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang babae na walang saplot pang-ibaba na kung saan ay maga at may bahid na dugo ang ari nito nang matagpuan sa madamong bahagi ng Plaza Dilao, Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si Arlyn Joy Balolong, ng Barangay 872, sa Pandacan, Maynila.
Sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang inabandonang bangkay ng biktima sa nasabing plaza malapit sa lumang PNR Station, sa Pres. Quirino Avenue, Paco.
Sa salaysay ng ina ng biktima na si Elizabeth na huling niyang nakitang buhay ang anak bandang alas 10:00 ng gabi ng Linggo sa tindahan na malapit sa kanilang bahay at makalipas ang 30 minuto ay hindi na ito makita hanggang sa may mabalitaan na may natagpuang patay sa Plaza Dilao.
Sinabi ng barangay tanod na si Ramon Sus ng Brgy. 825, Zone 89 nagroronda sila nang mapansin na may naiwang pantalon na maong sa lugar na kaduda-duda kaya’t kinutuban sila na may kakaibang pangyayari.
Nang libutin nila ang madilim na bahagi ng lugar ay nakita ang nakadapang katawan ng biktima dahilan upang ipagbigay alam sa otoridad.
Ayon sa mga residente sa lugar na may isang lalaking lasing na nakasuot ng t-shirt na puti at maong na pantalon ang nakitang gumagala doon bago natagpuang patay ang bata.-
- Latest