Blackout protest sa Jan. 21 ikinasa
MANILA, Philippines - Ikinasa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa darating na January 21, ang kanilang “Blackout protest†bilang pambansang pagkondena ng mga mangagawa sa mataas na singil sa kuryente na nais ipatupad ng Meralco.
Sa isang press conference kahapon sa QC, ipinanawagan ng KMU kasama ang Bayan Muna sa publiko na makiisa sa naturang protesta na gagawin sa Korte Suprema kasabay ng pagsasagawa ng pagdinig hinggil sa TRO na naipalabas kamakailan kaugnay ng power rate hike issue.
Hinikayat din ng KMU ang taumbayan na patayin ang kanilang mga ilaw sa naturang araw, alas-7:00 ng gabi bilang bahagi ng malawakang protest blackout para pigilan ang Meralco na maipatupad ang mataas na singil sa kuryente.
Binigyang diin ng KMU na dapat kumilos ang taumbayan sa usapin ng power rate hike bago ma-expire ang TRO na ipinalabas ng Korte Suprema noong December 23 at magtatapos makaraan ang 60 araw.
- Latest