Pagkuha ng NBI clearance bahagyang bumilis

MANILA, Philippines - Upang mapabilis ang pagbibigay ng National Bureau of Investigation (NBI) ng clearance ay nagdagdag ang Deparment of Justice ng mga computer.

Kaya naman ay bahagyang umikli at naging mabilis ang pagkuha ng clearance hindi lamang sa main office nito  kundi  maging sa buong bansa.

Magugunita na itinalaga bilang bagong director ng NBI si Atty. Virgilio Mendez na agad na humanap ng solusyon upang  matapos na ang  kalbaryo ng mga kumukuha ng  clearance.

Matatandaang sinabi ni Mendez, na kabilang sa magiging prayoridad nito ang mabilis na pag-release ng NBI clearance upang maiwasan ang sobrang haba ng pila maging sa iba pang mga tanggapan sa buong bansa.

Tiniyak ni Mendez na magiging maayos na ang  sistema kung saan plano pa rin nilang dagdagan ang computer.

Show comments