LTFRB at LTO pinahihigpitan vs adik na bus drivers
MANILA, Philippines - Higpitan pa ang mga panuntunan ng mga kumukuha ng lisensiya upang hindi makalusot ang mga driver na sugapa sa droga.
Ito ang naging apela ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) makaraan na isang bus driver na si Marlon Mejos ang madakip sa aktong gumagamit ng shabu sa loob ng isang bus sa Southwest Integrated Bus Terminal sa Coastal Mall sa Parañaque City.
Nakatakas naman ang ibang mga kasamahan nito na hinihinalang mga bus driver at konduktor din.
Dapat anya na mapalakas pa ang “drug testing†ng LTO upang hindi mabigyan ng driver’s license ang mga sugapa sa droga habang hindi nararapat mabigyan ng LTFRB ng prangkisa ang mga kumpanya ng bus na mapapatunayang nag-eempleyo ng mga tsuper na adik.
Inamin ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi nila ito magagawa kahit na sila ang direktang namamahala ng naturang terminal dahil sa kasalukuyan ang “alcohol test†sa pamamagitan ng “breath analyzer†lamang ang isinasagawa sa mga bus drivers sa loob ng naturang terminal.
Magpapasaklolo na rin si Tolentino sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang magsagawa ng “random drug testing†sa terminal upang mahuli ang mga sugapa sa iligal na droga.
- Latest