MANILA, Philippines - Tinangay ng tubig baha ang isang sanggol na babae matapos na mahulog sa hagdanan ng kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Caimpugan, San Francisco, Agusan del Sur.
Mahigit sa isang oras bago narekober ang bangkay ng sanggol na si Ana Marie “Baby An-An†Noble, 1 taon at siyam na buwan.
Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon ay naghahanda ng pagkain ang ina ng sanggol na iniwan nitong natutulog katabi ang kaniyang mister na si Angelito Noble, 38.
Nagising ang sanggol at gumapang sa hagdanan ng kanilang bahay na nahulog at tuluy-tuloy na bumagsak sa tubig baha at mabilis na inanod.
Ang pagbaha sa lugar ay kaugnay ng masamang lagay ng panahon sa walang humpay na pagbuhos ng ulan sa CARAGA Region dulot ng low pressure area (LPA).
Ayon sa mga otoridad sa kabila ng pagbaha sa lugar ay hindi lumikas sa kanilang bahay ang pamilya.